Cellphone na nag kakahalagang ?39,000.00 isinauli ng isang mangingisda sa may-ari

Local News

Viral ang isang mangingisda dahil sa nakapulot ito ng cellphone na palutang-lutang na 9 na araw sa karagatan, hindi inaasahan ng isang mangingisda sa lugar ng Sulop sa Davao Del Sur, na makakapulot ito ng mamahaling cellphone.

Buong akala ng mangingisdang si Ian Karl Bravo na ordinaryong araw lang ang pang-huhuli niya ng talangka sa dalampasigan ng bigla siyang na dulas at laking gulat niya ng makita niya ang isang cellphone na nakabalot pa ito sa waterproof cover.Agad naman niya itong pinulot upang iuwe sa kanilang tahanan upang tignan ito, ng makauwe ito agad niya itong tinignan kung ito ay sira ng buksan niya ang cellphone gumagana ito ngunit lowbat ang cellphone, ng malaman niyang lowbat ito dinala niya nalang ang cellphone sa sanglaan.Ng makarating na si ian sa sanglaan agad niya tinanong ang presyo ng cellphone upang ibenta ito at pag katapos sabihin ang presyo nito laking gulat ni ian na nag kakahalaga ito ng 39,000, agad naisip ni ian na ito na ang sagot upang makabili siya ng pansariling bangka para hindi na umarkila ng bangka sa iba, dahil sa hirap ng buhay hindi sapat ang kinikita niya para sa kaniyang pamilya kung mag babayad pa siya sa bangka na kaniyang hiniram upang makalaot sa karagatan at manghuli ng mga isda.

 

 

Sinabi ni ian na hirap talaga sila sa buhay dahil mahirap kumita ng pera sa kanilang lugar ngunit minabuti niya na wag na ibenta ang cellphone dahil hindi naman sakaniya ito, at ng umuwe si ian agad naman nag hanap ng pwedeng pag kakitaan upang ma-bilan ng charger ang cellphone, nakahanap naman ng pag kakitaan si ian yun nga ay mamasada ng tricyle at ng makaipon ito agad bumili ng charger ito upang mabuhay phone at macontact ang may ari pero pag ka bukas niya may password ito.

Dahil nga may passwordd ang cellphone pinindot niya ang emergency call upang tignan ang mga contact neto hindi naman siya nabigo at nakita niya ang pangalan ng may-ari na si Keith Calija na isang pilipino na isang army nakatira na sa singapore, ng kontakin nya ito ay hindi nag reply sa kaniyang binigay na minsahe dahil hindi nya macontact si Keith mas minabuti ni ian na kontakin ang ibang nasa emergency call hindi naman nabigo si ian dahil na contact niya ang kamag-anak ni Keith na si Gladys Martin na pinsan nito upang dun ibigay ang cellphone.Ng maibigay ni ian sa pinsan ni Keith agad pina-alam ni gladys kay keith na ibalik na ang kaniyang nawawalang cellphone at ng makita ni keith ang kaniyang nawawalang cellphone laking saya neto at agad nag pasalamat kay ian, dahil sa ginawa ni ian nag viral ito

 

advertisement