Change oil girl, itinanggi na isa siyang kabit: “Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal”

Local News

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang tinaguriang ‘change oil’ na si Sarah de Leon matapos siyang paulanan ng kritisismo ng mga netizens dahil sa diumano’y pagiging ‘kabit’ nito.

Matatandaan na nag viral sa social media si Sarah matapos itong pagdudahan na naging kabit ni Yves Esteban na naka engage na sa kanyang nobya na si Kathyrine Roman.

Isa sa mga naging alibi ni Sarah matapos siyang komprontahin ni Kathyrine ay sinasamahan niya lamang daw si Yves na magpa ‘change oil’.

(Kaliwang litrato) Yves kasama si Kathryne (Kanang litrato) Yves kasama si Sarah
Sa kanyang Facebook post, iginiit ni Sarah na siya ay walang ginagawang masama at magkaibigan lamang sila ni Yves.

Ayon sa kanya, hindi naman kasal si Yves at ang kanyang nobya kaya hindi siya maaring tawagin na isang kabit.

“Unang una wala ako dapat iexplain sainyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam. at wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila yon. Kung nagtatago kami bakit kami lumalabas? How ironic diba. Kung di nyo matanggap na friends kami its not my problem anymore judge me nalang lol” ani Sarah.

“Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal wag ako balakayojan,” dagdag niya pa.Sinabi ito ni Sarah matapos niyang i-bahagi ang depensa ni Yves at sinabi na hindi na naman sila ni Kathyrine.

“Hindi po ba ang ibig sabihin kapag isinoli na ang singsing break na kayo?(March 7 2pm) Para sa akin po hindi naman mahirap intindihin yun.sana sainyo rin.hehe friends lang po kami ni Sarah de Leon wala naman po siguro masama kung lumabas kami ng kaibigan ko. Godbless po sa lahat,”

Matatandaan na naging viral sa social media ang isyu sa pagitan ng tatlo.Nag umpisa ang isyu matapos ikwento ni Kathyrine ang diumano’y katalksilan ni Yves sa kanya.

“Never ako nag psot ng problem. I want to share this story kasi hindi ko akalain na people like them exist. Hindi ako makapaniwala na I trusted people na kagaya nila. Like how can you hurt people like that? How can you both even sleep at night??? 4 years na kami ng fiance ko he cheated on me multiple times pero ako si martyr. Kasi naniniwala ako na magbabago siya. Pero ngayon I had enough. Kasi hanggang sa huli ginawa mo padin ako tnga,” sabi ni Kathryne.