Child Car Seat Law, Pinasuspendi ng Pangulo

Local News

Inanunsyo ngayong hapon ni Senator Bong Go, na pinasususpendi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Child Car seat law.

Maaalalang inulan ng batikos ang implementasyon ng Land Transportation Office o LTO sa naturang batas, dahil dagdag gastusin umano at pasakit lang ito sa mga Pilipino ngayong meron pang krisis na kinakaharap ang bansa.

Ayon umano sa Pangulo, hindi napapanahon ang pagpapatupad nito sa gitna ng pandemya.

Ang Child Car Seat law na akda ni dating senator JV Ejercito ay nagtatakda na dapat mayroong car seat ang mga pribadong sasakyan para sa mga batang nag eedad 12 anyos pababa.

advertisement