Daga, Nangungupit umano ng Pera sa isang Karinderya!

Local News

Isang karinderya sa Bacolod City, ang nawawalan lagi raw ng pera.
Pero ang salarin ay hindi tao kundi DAGA.Laking gulat ng may- ari nh karinderya na si Sheryl Tayhopon, 39-anyos ng madiskubre nyang ang salarin pala sa madalas na pagkawala ng kanyang pera mula sa karinderya ay isang lamang daga.

Kwento nya pa ay inaakala nya na lamang daw na, nakakalimutan nya siguro at hindi na matandaan kung saan nya inilagay ang pera dahil sa kanyang edad. Pero isang araw ng pumunta sya sa kanyang karinderya, iniwan nya ang kanyang bag na nakabukas lamang ay nakita nyang isang dagang kasama nya sa kanyang tindahan,ang pumupuslit sa kanyang bag.

Nang sundan ni Sheryl ang daga papunta sa dingding ng kanyang tindahan, iniwalan nya ito. At laking gulat ng makitang naroon ang mga nawawala nyang pera. Mayroong tag iisang daan, bente, singkwenta, limang daan at meron pang isang libo. Binaklas nila ang dingding upang makuha ang mga pera roon. Nang bilangin ay tinatayang nasa 4,500 ang naipon ng daga roon.

Sa ngayon ay isasara raw muna ni Sheryl ang kanyang tindahan, para mag general cleaning. Baka raw kasi may mga pera pa doon na nakatago. Sa kabilang banda ang nagpapasalamat pa si Sheryl sa daga dahil sa pagiipon nito. Ipanda dagdag daw kasi ito ni Sheryl sa tuition ng kanyang anak.