Dahil sa sobrang window shopping, Bata natulog nalang sa Supermarket

Local News

Nahirapan man ang Ina ng bata sa kakahanap sa kanya, subalit kinagiliwan naman ng mga netizen ang ginawa nito na natulog sa ibabaw ng mga gift wrapper dahil siguro napagod sa ginawa nilang pagwi-window shopping ng kanyang Ina sa isang home supply store sa Cagayan de Oro.

Sa ibinahaging post ng ina ni Zacc na si Judah Abonitalla, nagtitingin-tingin raw siya kasama ang mga anak sa Mr. DIY Cogon habang hinihintay ang kaniyang asawa para sunduin sila.

Habang pinagmamasdan raw nila ang mga party decors, napansin umano nitong nawawala na ang 3-anyos na anak sa kinauupuan nito.

Pero sa kabila raw ng takot ay mahinahon pa rin niya itong hinanap kung saan natagpuan niya ang pares ng tsinelas ng bata.

Nawala ang pangamba ni Judah nang may nakakita raw kay Zacc na natutulog sa istante ng mga gift wrappers.

3-anyos na batang inakalang nawawala, natagpuang natutulog sa rack ng gift  wrappers | Video | GMA News Online

Tila himbing na himbing sa pagkakatulog si Zacc nang makita ng ina.

3-anyos na batang inakalang nawawala, natagpuang natutulog sa rack ng gift wrappers | Video | GMA News Online

Marami naman ang natuwa sa bata na nagsabi pang cute and funny daw ito. Di kasi katulad ng ibang mga bata na sobrang malikot kapag pumupunta sa mga shopping malls , itong si Zacc daw ay parang naghanap ng pwesto para makapahinga saglit.

Mayroon ding nagsabi na ‘tulog is life’ daw para kay Zacc.