Dalaga, Bigla na Lamang Nabuntis Matapos Umanong Maligo sa Swimming Pool!

Local News

Naging usap-usapan ang pangyayari sa isang dalaga na wala pang karanasan sa pakikipagtålik na bigla na lamang diumanong nabuntis matapos maligo sa swimming pool. Posible ba itong mangyari?

Residente ng Dumingag, Zamboanga Del Sur ang 22-anyos na dalaga ang nanganak kahit na isang umano siyang birhen. Ayon sa dalaga, posibleng nabuntis siya noong maligo siya sa swimming pool. Maaaring nakuha niya ang simi1ya sa tubig na kanyang pinagliguan.

Kwento pa ng dalaga, napansin daw ng kanyang ama na tila lumalaki ang kanyang tiyan at ng tanungin siya nito, sinabi niyang hindi siya nakikipagtålik sa kahit na sino. Nang magpunta sa OB-Gyne ang dalaga, napag-alaman na siya ay nagdadalang-tao.

Sa kabilang banda, ang kanyang lolo at lola ay malaki ang hinala na ang kanilang apo ay nabuntis ng isang elemento. Ang ina ng dalaga ay nagtatrabaho sa ibang bansa habang ang ama nito ay magsasaka.

Inamin ng dalaga sa kanyang interview, mayroon siyang limang taon ng karelasyon ngunit sinabi nito na walang nangyayari sa kanila dalawa. Binanggit ng kanyang kasintahan na aakuhin na lamang niya ang anak na ito kahit na hindi siya ang ama ng kanyang dinadala.

Ayon naman sa isang OB-Gyncologist, imposible umanong nakuha nito ang similyå sa swimming pool. Sang-ayon naman dito ang mga netizens na hindi naniniwala sa nangyari sa dalaga.