Dalagang iisa ang binti at nilalakad ang 4Km, nagawang makapag tapos ng pag-aaral

Local News

Bawat isa satin pinangarap makapag tapos ng pag aaral upang may mapatunayan sa ibang tao at lalong lalo sa magulang na laging pinapaalala na tanging edukasyon lang ang maipapama sa atin at hindi mahalaga ang materyal na bagay sa pang araw araw dahil makukuha naten ang mga ninanais mag sumikap lang sa buhay at mag aral ng mabuti upang makapag tapos ng pag aaral at makahanap ng trabahong maganda.

Batid natin na hindi madali ang pag abot sa ating mga pangarap dahil dadaan muna tayo sa mga pag subok na kahit mahirap handa naten lagpasan upang makamit naten ang ninanais naten na pangarap sabe nga nila, “Walang anumang klaseng kahirapan ang kayang sumupil sa isang matayog na pangarap ng isang tao”

Isang patunay na halimbawa ang kwento ng batang si Jean Areja Derapal, upang makapasok sa paaralan si jean nilalakad nya muna ang mahigit apat na kilometrong layo mula sa kanilang bahay patungo sa eskwelahan ng kaniyang pinapasukan.

Wala man ang isang kanang binti natiis niya sa loob ng anim na taon ang pag lalakad ng mahigit apat na kilometrong layo simula sa kanilang bahay hanggang eskwelahan, at kapansanan ni Jean nakapag tapos siya ng elementarya, determinadong makapag tapos ang bata dahil para kay Jean, ang edukasyon ay pang habang buhay niyang dadalhin at kahit sino man ay hindi ito kailan man makukuha sakaniya.

At hindi nabigo ang batang si Jean at sa kaniyang pag tatapos sa elementarya ay ginawaran siya ng mataas na antas ng pag-aaral, at tanging hiling ni Jean ay mag karoon siya ng artificial na paa upang magamit niya ito at hindi mahirapan kahit gaano man kalayo ang kaniyang lalakarin patungo sa panibagong papasukan na paaralan.

Ang kwentong ito ay ibinahagi sa social media ng kanilang mahal na punong-guro na si Mr Junar T. Mahilum, saad nito labis raw itong humanga sa determinasyon ng bata kaya niya ibinahagi sa iba ang kwento ni Jean, at umani naman ito ng positibong komento mula sa netizen at marami rin ang humiling na maibigay ang pangangailangan na artificial na paa ng bata.