Dating street vendor na nangutang ng Php2,000 pesos puhunan, ngayon ay kumikita na ng Php20,000 kada araw sa sariling food stall at sari-sari store

Guide, OFW News

Para sa isang magulang, walang nakakahiyang trabahao basta’t marangal at walang inaapakang tao. Lahat ay kayang tiisin at suungin ng isang magulang para lamang mabuhay ang mga anak at mabigay ang mga pangangailangan nila.

Para kay Mayette Corcuera, kahit anong trabaho at pagkakakitaan ay kaya nyang pasukin at pagsabayin upang kumita lamang ng maayos para sa kanyang apat na mga anak. Namuhunan lamang umano ito ng 2,000 piso at nagbenta ng kung anu-ano para kumita

Maliban sa paglalako, nagtitinda din ito ng mga inumin sa umaga malapit sa isang public school, at sa gabi naman ay nagtitinda din sya ng balut. Tunay ngang napakasipag nitong ina.

Dahil sa kanyang pagod at pawis, unti-unting nakaipon si Mayette mula sa napakarami nitong raket at sa kanyang paglalako ng samu’t-saring mga paninda. Hindi nito ikinakahiya ang kanyang trabaho bilang street vendor. “Magtiyaga lang po tayo sa hirap at ginhawa. Wag mahiyang magtinda kahit saan, walang masama roon,” saad pa nito.

Pagkalipas ng ilang taon, sa wakas ay may sarili na din itong food stall kung saan nagtitinda ito ng iba’t-ibang gulay at mga prutas. Mayroon na din syang isang malaking sari-sari store. Doon nya umano kinukuha ang kanyang pang gastos sa kanyang pagpapaaral sa mga anak sa kolehiyo.

Sa gitna ng pandemya, naeenjoy naman ni Aling Mayette sa masagang buhay na kanilang tinatamasa ngayon bunga ng kanyang pagsusumikap. Ang dating inutang na Php2,000.00 pesos na puhunan, ngayon ay kumikita na ng Php20, 000 pesos kada araw.

Kaya sa mga nanay na hirap din wag mawalan ng pag-asa pwede niyo rin gawin ang pagtitinda tulad ni aling Mayette  .