Delivery Rider sa Quezon City, Nanghipo ng Dumadaan lamang na Babae!

Local News

Sa panahon natin ngayon ay sobrang laganap na ang mga masasamang gawain. May mga pagnanakaw, pang rererape at kung ano ano pa. Pero nito lamang May 14, ay napabalitang may isang delivery rider na nakatamabay lamang sa may Brgy Mariana, Quezon City, ang nanghipo ng 23- anyos na dalagang naglalakad lamang umano sa kalsada ng mga oras na iyon.

Kwento ng biktima ay naglalakad lamang daw sya noon sa kalsada ng mangyari ang panghihipo. Pagkatapos ay dali daling kumaripas ng takbo ang biktima patungong Baranggay upang mag reklamo.

Nanginginig po ‘yung babae sa takot (nang magsumbong sa barangay) halatang-halata sa kanya ‘yung phobia. Noong una raw, hindi raw niya napansin ‘yung lalaki. Hanggang sa nakita niyang nakapasok daw ‘yung kamay ng lalaki sa pantalon na parang nakahawak sa ari, tapos parang gumagalaw-galaw. Kitang-kita sa CCTV na nag-zipper ‘yung lalaki. Sinara niya ‘yung butones ng pantalon niya, (paglampas ng babae),” Ayon kay Acey Nepomuceno, BPSO, Brgy Mariana.

Ang suspek sa naturang panghihipo at nana natiling hindi pa matukoy ang kinaroroonan, ay kinilalang si Justin de Guzman, ayon sa QCPD station 11. Pahayag naman ng Commander sa QCPD station 11 ay hindi lamang daw isa ang na biktima ni Justin, dahil bukod sa na biktima sa Quezon, City ay may lumutang pang isang biktima ay nais ding mag reklamo. Nakatakda namang sampahan ng mga biktima si De guzman ng kasong acts of lasciviousness.