Dibdib ng 12-anyos ma dalagita mula palawan, lumubo ng 40 tripple cup D

Local News

“Noong may face-to-face classes pa po, sakto lang po ‘yung laki ng dibdib ko.
Pero napansin ko na bigla na siyang lumaki! ‘Yung mga baby bra ko po, sumisikip na at hindi na magkasya.

Ang bigat na rin po. Sumasakit ‘yung likod ko at mga balikat.
‘Yung mga ibang ka-edad ko, hindi naman ganito kalaki ‘yung dibdib nila.
Hindi na rin po ako makapaglaro kasama ang mga pinsan ko.
Nakakahiya na po kasi eh.

Pinagtitinginan ako ng ibang tao kasi malaki ang dibdib ko.
Meron nga pong gusto raw akong ligawan kasi malaki raw ang dede ko. Natatakot na po ako kasi nababastos na ko.

Nagpe-pray po ako kay Lord na sana huminto na ‘to sa paglaki at gumaling na ako kasi bata pa po ako.”
-Yumi

“Nu’ng napansin naming lumalaki ‘yung dibdib niya, akala namin normal kasi nagdadalaga nga.
Pero nu’ng nagtutuloy-tuloy na, sabi ko parang hindi na normal ‘yung paglaki!
Dahil sa kalagayan niya, hindi na halos lumalabas ‘yung bata ng bahay.

Nalulungkot ako para sa kanya kasi dapat sa edad niya, nag-eenjoy siya, nakakapaglaro. Pero hindi niya ‘yun magawa ngayon.

Sana po matulungan siya para maibalik po ‘yung confidence niya sa sarili niya.”
-Grace, tita ni Yumi