Dimples Romana at Boyet Ahmee, Niregaluhan ng Bahay ang Kanilang Kasambahay na Halos 17-taon ng Nagsisilbi sa Kanilang Pamilya!

Local News

Sa panahon ngayon, mahirap na ang humanap ng kasambahay na mayroong malasakit sa kanilang amo. Gayun din naman sa mga amo, mahirap din humanap ng mga amo na ituturin kang pamilya at hindi ibang tao at lalong-lalong hindi ka sasåktan.

Dimple Romana biniyayaan ng bagong bahay ang kanilang kasambahay na halos 17-taon ng nagsisilbi sa kanilang pamilya.

Ang mga kasambahay ay kasama sa bahay kung saan maaasahan na tulungan ang kanilang amo lalo na sa mga oras na wala ang mga amo. Hindi madali ang maging isang kasambahay dahil hindi lang gawain bahay, pag-aaalaga ng mga bata ang trabaho nila dahil kailangan din nilang makisama o makibagay sa mga tao sa paligid nila.

Sa isang vlog naman ni Dimple Romana sa kanyang Youtube channel, kasama ang kanyang butihing asawa na si Boyet Ahmee ay biniyayaan ng bagong bahay ang kanilang kasambahay na halos 17-taon ng nagsisilbi sa kanilang pamilya.

Sa content ng vlog ni Dimple ay isusurpresa nila ang kanilang kasambahay na si Ate V. Nagpanggap silang ipapa-approve nila kay Ate V ang bahay na bibilhin nila at pag naaprubahan ay papaupahan nila daw ang bahay.

Habang pinapakita ang loob ng bahay, nakita ni Ate V sa isang kwarto ang mga lobo na nakalagay ang “OO PARA SAYO ITO” at standee ng larawan ni Ate V. Nang makita ito ay hindi na napigilang maluha ng mag-amo dahil sa tuwa.

Ayon sa mag-asawa, sa loob ng halos 17-taon ay hindi sila iniwan ni Ate V kahit na dumating ang panahon na wala na silang maipasahod sa kanya ay hindi pa din siya umalis at sinabing ayos lang ‘yon.

Sa industriya kung saan nagtatrabaho si Dimple ay madalas siyang wala sa bahay kaya naman ang naging silbi ng ilaw ng tahanan ay si Ate V na malaki ang malasakit sa knayang pamilya.

Kaya naman, bilang pasasalamat ay siniurpresa ng mag-asawa si Ate V ng isang bagong bahay na lubos namang ikinagulat at ikinatuwa ni Ate V.