Doc Willie at Liza Ong, Mamimigay ng Cellphone sa mga Estudyante

Local News

Sa isang facebook post ng Doc Willie Ong Page ay nag nag-anunsyo ang mag-asawang doktor na si Doc Willie ong at Doc Liza Ong na patuloy silang mamimigay ng cellphone sa mga estudyanteng kapos at walang perang pambili ng kanilang sariling cellphone at gadyet na magagamit ng mga kabataan sa online class na ginagamit ngayong pandemic.

Sa isang post ay makikita na mamimigay sila ng RealMe 6 Pro, isang brand ng cellphone na malakas ang performance na bagay na bagay sa pag- oonline class ng mga kabataan ngayon sa gitna ng pinagdadaanan nating pandemya.

Ayon kay Doc Willie Ong, RealMe 6 Pro na uri ng cellphone o gadyet ang kanilang napili na ipamigay sa mga estudyante dahil ito ay mabilis na kalidad ng cellphone na pwedeng-pwede sa online learning at maiiwasan nito ang pag- lag ng cellphone na kadalasan nagmumula cellphone o di kaya ay sa internet.

Bagama’t hindi ginagarantiya ng mag- asawa na bigyan ang mga estudyante pati ng pang- internet ay malaki na ang naitutulong ng cellphone na ito na ibinibigay lamang na libre ng mag-asawa para sa mga kapos ngunit karapat-dapat na mga estudyanteng mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mabuting edukasyon at ng makaahon sa kahirapa ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya

Ito ang facebook post ng Doc Willie ng page:

Heto na sila !May 4 pieces pa RealMe 6 Pro. Dahil ito ang PINAYO nyo sa akin.Napadala na namin yung 1 kahapon.Kasi na-promise ko na last week sa kanya.God bless at tiwala lang sa Itaas.

-Doc Willie Ong