Food rider, kinawaan ng netizen matapos lokohin at kanselahin ng kustomer ang order

Local News

Isang grab food delivery rider ang nabiktima ng fake booking na umabot sa ?5,800 ang order nito.

 

Hindi maipinta ang mukha ni Bernard Enriquez matapos kanselahin ng kaniyang customer ang order nitong mga pagkain.

 

 

 

Saad ng rider malapit na umano siya sa binigay nitong address at ng makarating na umano siya sa eksaktong lokasyon ay bigla nalamang nito kinansel ang order, labis naman ang pakiusap ng rider sa kaniyang customer na si Jane Castro na huwag kanselahin ang kaniyang order dahil narito na siya at iaabot nalang sa kaniya, pero wala itong tugon sa mga text ng rider kaya sinubukan niyang akyatin ang apartment building kung saan naruon ang address nito.

Lumabas naman ang may-ari ng apartment at nagtataka kung bakit ito kumakatok gayung wala naman siyang order, saad naman ni Bernard na may nag-order sa kaniyang Jane Castro na nandito nakatira sa apartment building.

Sumagot naman ang nakatira sa apartment na walang Jane Castro ang nakatira duon gayun din ang mga ilang residente na nakatira sa apartment na walang ganung pangalan ang naninirahan rito.

Dismayado ang rider dahil nabiktima siya ng fake booking dahil hindi niya alam kung papaano babawin ang ipinang-luwal niyang pera sa mga ito.

 

 

 

 

Ibinahagi naman ni Bernard ang mga larawan sa social media upang matulungan siyang mabili ang inorder sa kaniya ng Jane Castro dahil nabiktima umano siya ng fake booking

Maraming netizen naman ang naawa sa rider at nabili rin ang mga inorder na pagkain mula sa kaniya, hindi lang pala siya ang nabiktima ng fake booking sa pangalang Jane Castro may apat pang rider ang nabiktima nito at hindi rin bababa sa halagang ?5,000 ang mga inorder nito.