Food Rider, Sardinas ang Ulam Matapos na Makapag-deliver ng Masasarap na Pagkain sa Customers!

Local News

Nauso na sa panahon ngayon ang mga nagtatrabaho sa mga food deliveries. Dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas at pag-dine in sa mga fast foodchain o restaurant ay naging alternatibo na ang paggamit ng mobile app kung saan maaari kang umorder ng pagkain online at ide-deliver na sa bahay ang pagkain.

Hindi na alintana sa mga riders ang panganib sa kanilang pinasok na trabaho dahil hindi lamang sa kalsada kundi pati sa mga tao na nakakasalamuha nila ay may panganib na maaaring makuha lalo na sa kanilang kalusugan dahil hindi maiiwasan ang v1rus na kumakalat lalo na at humaharap sila sa iba’t-ibang tao.

Isang larawan ng Food Panda Rider naman ang nag-viral matapos na ibahagi sa Social Media ang kanyang sitwasyon. Matapos na makapag-deliver ng masasarap na pagkain sa kanyang mga customers ay makikita na ang kanyang ulam ay isang lata ng sardinas.

Hindi naman maiwasan na maawa ang ilan sa nakitang larawan. Masarap din naman kung tutuuisin ang sardinas. Nagsilbing inspirasyon din ang rider na ito sa karamihan dahil para makaraos sa pang araw-araw ang pamilya, handa siyang tiisin ang lahat.