Foreigner matapos tulungan at ibigay ang lahat ng kaniyang ari-arian sa babaeng pinay, iniwan din siya nito at sumama sa ibang lalake

Local News

Mapait ang sinapit ng isang Foreigner na si Joseph Cuniff nakatira ito sa New York City, nag punta ito ng Pinas upang makasama ang kaniyang fiancee nangako pa umano ang pinay ma mag papakasal ito sa kaniya dag-dag pa ng foreigner ibinigay niya ang kaniyang ari-arian hanggang sa maubos ito, nang malaman ito ng pinay ay dito na mag umpisang mag-bago ang ugali nito.

Napag alaman rin ng foreigner na namay asawa’t mga anak ang kaniyang fiancee dahil ang kaka alam nito ay dalaga pa ito, ngunit dahil sa pagmamahal niya rito ay tinanggap niya parin ito.ibinigay ng foreigner ang pangangailangan ng kaniyang mahal na pinay pera at ari-arian matapos maubos ang lahat ng ito, ay nawala na ng parang bula ang pinay at hindi na muling nag paramdam pa ito sa kaniya.

Naiwang mag-isa ang foreigner sa isang bahay na kaniyang tinirhan, halos naibenta na niya ang kaniyang mga sariling gamit upang may makain sa araw-araw dahil halos wala na siyang kapera-pera.

Gustohin man niyang makauwi sa kaniyang sariling bansa ay hindi niya magawa dahil wala na siyang pera upang lakarin pa ang kaniyang mga dokumento upang makauwi sa kaniyang bansa, bukod paruon ay nilalakad niya ang pagkalayu-layong kalsada upang lakarin ang ibang dokumento na kailangan ayaw nitong sumakay sa mga pampublikong sakayan dahil sinisingil umano siya ng malaking halaga dahil porke kano siya ay marami siyang pera. sinusubukaan niyang ipaliwanag sa mga ito na wala siyang pera ni singkong duling ngunit tinatawanan lang siya ng mga ito.

May mga mababait naman siyang mga kapitbahay na tumutulong sa kaniya, bagama’t nahihiya siya sa mga ito ay sinasabi naman ng kaniyang kapitbahay na wag siyang mag-alala dahil kahit papaano ay inaabutan siya ng mga ito ng makaka kain.