Foreigner na lalaki, naging palaboy at natutulog lamang sa kalsada

Local News

Maraming foreigner na nagpunta dito sa Pilipinas ay maswerte pero meron naman di maswerte at naloloko ng iba nating kababayan na ang turing sa mga banyaga ay pagkaperahan.

Gaya ng sa isang post sa facebook account ni Lehcar Balayut, humihingi umano siya ng tulong para sa isang foreigner na si David Allie na mula pa sa Canada. Di-umanong palaboy-laboy na lamang si David sa kanilang Baranggay sa Sapalibutan.

Natagpuang natutulog si David sa kalsada bandang 7:30 ng gabi. Inisip at inakala ng pamangkin ni Balayut na matanda lamang ang natutulog. Kinabukasan, binalikan nila ito at nakita nila si David na isang foreigner.

Dahil dito, ipinagbigay alam nila ang kalagayan ni David sa kanilang Baranggay. Humihingi din ng tulong si Balayut na ibahagi ang kanyang facebook post nang sa ganoon ay may posibilidad na makita at malaman ng pamilya ni David ang kanyang kalagayan.

“Sana po kahit sa simpleng share lang po matulungan natin sya para po malaman ng Family nya and situation nya dito or kahit mga naging kaibigan po o mga nakakakilala po sa kanyan para po matulungan po sya.”