Foreigner, Niloko ng kasintahang pinay. Inubos ang pera! Humihingi ng tulong!

Local News

Isang banyaga ang niloko ng kasintahan niyang Pinay at ngayon ay walang wala kahit pambili ng pagakain dahil natanggal din sya sa trabaho dulot ng pandemya.

Ayon sa post ni Juvy Adorna, nakita nya ang foreigner na nakatulala kaya binigyan niya ito ng pagkain at nakipagkwentuhan tungkol sa nangyari dito.

Ang kwento ng banyaga ay niloko sya ng dati niyang GF na Pinay at natanggal pa ito sa trabaho dahil sa Pandemya.

Gustuhin mang umuwi ng banyaga ay hindi pwede dahil expired na umano ang kanyang passport.

Ang gusto lang sa ngayon ng nasabing banyaga ay mapaayos ang sira niyang cellphone upang makahanap ulit ng trabaho at maka-uwi na sa Sweden.

Narito ang kabuuang post ni Juvy Adorna sa kanyang Fb account,

Kahapon pag uwi ko nakita ko cia s simbahan nakatulala.. naawa ako at binigyan ko cia ng food.. di ako alam bakit ako bumalik ulit skynya out of curiosity cguro or what..so ayun nkipag kuwentuhan ako sknya at nalaman ko n iniwan cia ng gf niang pinay kc nag cheat sknya..sabi ko bakit ayaw nia umuwi s sweeden expired daw passport nia at ayaw nia bumalik n dun sabi ko naman mas magugutom ka d2 s pinas.

Dati daw cia may work s call center s ortigas pero tinanggal cla gawa ng pandemic.. ang gusto lng nia is mapaayos ung cp nia at makapag aply cia ng work..naawa ako sknya kaya sabi q tulungan q cia mag solicit ng pera so sinamahan q cia s dswd at s barangay kaso wala daw help n mabibigay…so ang ending ako n lng nag paayos ng cp nia at pinakain ko ca ng breakfast at lunch tapos binigyan q pa cia ng grocery kc awang awa ko sknya..mga dati nia kawork di man lng cia tinulungan or what.. sana kuya makahanap kn ng work mo at makaipon ka para makauwi kn sanyo..sa mga gusto pong mag donate sknya at mag bigay pa ng tulong sabihan nio lng ko..sana kuya masaya kn at napaayos ung cp mo..Godbless po?