Fried chicken ang inorder sa Jollibee “Fried Towel” ang laman sa loob

Local News

Nag viral ang isang post ng isang netizen nasi Alique Perez sa kaniyang social media post matapos makita ang kaniyang order na “Fried Chicken” ay “Face towel” ang laman nito sa loob nagulat naman ang babae sa kaniyang nakita dahil inorder nila ito online sa grab delivery ngunit ang dumating sa kanila na dapat ay fried chicken ay Fried Towel.

Nadismaya naman ang ginang sa kaniyang natanggap na order mula sa isang fast food na Jollibee, aniya pa ng babae sa kaniyang post “This is really disturbing… How the hell do you get the towel in the batter and even fry it!?!? Yung totoo? “. ang naturang Jollibee kung saan ito nag pa deliver ay sa branch ng Jollibee (Bonifacio Stopover, Taguig, Metro Manila)

Maraming netizen ang nadismaya sa nangyari dahil maraming mga bata ang mahilig kumain sa Jollibee lalu’t pang masa ito. gayun din ang ilang mga matatanda na mas pinipili ang kumain sa nasabing fast food. naging hati naman ang kumento ng mga netizen ukol dito saad ng isang netizen “hindi maaring naging aksidente ito dahil bilang isang fry man ay dapat maging standard ito at hindi ito basta-basta nilalabas kung ito ay hindi standard. dag-dag pa niya “Marahil ay may galit ang crew sa manager o sa kung sino man kaya niya ito ginawa dahil mahirap ang isang maging service crew sa isang fast food”.

Gayun pa man ay may mga kumento naman na hindi ito maganda lalu’t pa kung ito’y pang hihiganti o kung ano man saad pa ng ilang mga netizen dapat palaging malinis ang kanilang ibinibigay na order sa mga taong gusto lamang ay kumain at hindi dapat isinasama ang personal na galit sa isang tao dahil maraming tao ang madadamay dahil sa away lamang ng mga tauhan ng isang fast food.