Gagawin ang lahat para lamang makaraos at may maihain sa hapag

Local News

Gagawin ang lahat para lamang makaraos at may maihain sa hapag . karamihan dumadanas ng kakulangan sa makakain sa gitna ng pandemya. Isa lamang ang construction worker na si Jerry Mendoza sa maraming Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Dahil wala nang kinikita, ngayon ay nakadepende ang tanghalian at hapunan ng kanyang pamilya sa dami ng makukuha nilang suso sa bakawan. dahil sa kakapusan at walang maayos na pinag kikitaan mas minabuti nalamang nila na mamulot ng suso upang ipag benta o kaya ay pang ulam.

 

kaysa sa tiisin ang gutom at sakit ng sikmura minabuti nalamang nila na mamulot ng suso. masakit man ipinag kakasya nalamang ng pamilya sa kung anong meron sila sa hapag dahil yun lamang ang kinakaya nila .

Namumulot lang daw sila ng suso noon kapag walang-wala na at hindi nakakapasok sa construction si Jerry. Pero ngayon, araw-araw na nila itong ginagawa para masolusyunan ang kumakalam na sikmura.

advertisement