Gina Pareño, Namasukan Bilang Tricycle Driver Noon Bagong Maging Isang Batikang Aktres!

Local News

Kilala si Gina Pareño bilang isang batikang aktres sa Pilipinas. Maraming pelikua at palabas na ang napagbidahan ng aktres. Ipinanganak si Gina noong Oktubre 20, 1949. Ang kanyang ama ay isang German-American habang anak kanyang ina ay isang Filipina. Taong 2006 nang magsimula si Gina sa pag-aartista at dito na nga umusbong ang kanyang karera sa industriya ng showbiz.

 

 

Ngunit, bago pa man maging artista si Gina ay alam ninyo bang naging isa siyang tricycle driver sa Makati noon?

Ayon sa naging panayam ng Tunay na Buhay kay Gina, inamin ng 71-anyos na aktres ang kanyang naging trabaho bago pa siya maging batikang aktres. Nagtinda din siya noon ng turon at banana cue sa harap ng opisina ng Sampaguita Pictures kung saan siya nagsimulang kumita ng Php10 na ipinangbibili niya ng pagkain.

 

 

Nagmistulang bahay ni Gina ang Sampaguita Pictures nang manalo siya sa dance contest sa TV noong 1964. Makalipas ang ilang taon ay nagtagumpay ang aktres sa larangan ng pag-aartista at sumikat na siya sa buong bansa lalo na nang pinagbidahan niya ang kauna-unahang pagganap ng Darna.

 

 

Ilang taon pa ang nakalipas ay naipakita niya ang galing niya sa pag-arte sa maraming genre. Narito ang kabuuang video ng naging panayam ng naturang programa kay Gina: