Ginang na nakatira sa ‘Basecommunity’ usap usapan at Nag viral dahil sa kanyang reklamo: “Mas maganda pa na squatters kami”

Local News
Inulan ng batikos ang isang nanay sa social media matapos niyang paulanan ng reklamo ang kanyang paglipat sa ‘Basecommunity’ na proyekto ng LGU ng Maynila.

Itinayo ang Basecommunity upang bigyan ng mura at maayos na pabahay ang mga residente ng Maynila.

Ngunit tila hindi lahat ng nakatanggap ng pabahay ay natutuwa sa proyektong ito at isa na dito ang isang nanay na nakapanayam ng vlogger na si Khopars.

Sa nasabing panayam ay kinamusta ng vlogger ang ilan sa mga nakatanggap ng pabahay, kasama na dito ang babae ngunit imbis na papuri ang kanyang sabihin ay puro reklamo ang kanyang sinambit.

Ilan na dito ay ang 2,000 na kailangan bayaran ng mga nakatira sa Basecommunity kada buwan dahil hindi naman daw ito kayang bayaran ng mga walang trabaho.

Ayon sa kanya ay wala silang pinirmahan na agreement kaya’t ang paniniwala niya ay habambuhay nilang babayaran ang nasabing bahay.

Inireklamo niya din na hindi sila pwedeng magdala ng iba nilang kamag anak o bisita sa kanilang mga natanggap na bahay.

“Hanggang siyam lang ang pwede, paano na ‘yung sobra?” tanong ni nanay.

“Maganda nga ‘yung bahay pero pag gising mo mag iisip ka ng pambayad, wala ka namang hanapbuhay,” dagdag niya pa.

Sinabi niya pa na kung hindi lang sila nasunugan ng bahay ay mas mabuti pa na nandoon nalang sila sa squatter.

“Kung hindi nasunog mas maganda pa ‘yung squatters nalang kami, hindi pa kami mag iisip ng kung ano ano na pambayad namin, kung may babayaran kami o wala,” sabi pa niya.

“Ang iintindihin lang namin pagkain namin, bahay namin hindi na kami magbabayad syempre squatters,” dagdag niya pa.

Inireklamo niya din na kailangan pa daw silang singilin sa mga masisira sa bahay kung mag desisyon sila na umalis na sa Basecommunity.

Umabot ng milyon milyong views ang nasabing vlog na inulan ng libo libong reaksyon mula sa mga netizens.

Ang karamihan ay binatikos si nanay dahil sa reklamo nito. Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang LGU sa mga reklamo ni nanay.