Ginang nilibre sa Jollibee ang mag-amang nanlilimos sa kalye

Local News

Isang ginang ang nagmalasakit sa isang mag-amang palaboy na nakatingin sa labas ng isang fast food, matagal muna niya itong pinagmasdan at tila ba’y nagugutom ang mga ito ngunit marahil sa walang pambili ay nakikitingin nalamang ang mag-ama sa labas ng salamin ng isang fast food habang kumakain ang mga tao sa loob.

Nilapitan ng ginang ang mag-ama at pinapasok niya ito sa loob inasikaso niya ito at tinanong kung ano ang nais na kainin, nahihiya man sa una ang mag-ama dahil wala silang perang maaring ibayad ngunit sagot naman ng ginang sa kanila “wag na ho kayong mag-alala ako na ho ang mag babayad” saad nito.

Abot langit naman ang pasasalamat ng mag-ama sa ginang dahil sa kabutihang ginawa nito para sakanila dahil halos buong araw nakasi silang hindi kumakain at tanging tubig lamang ang kanilang iniinom.

Hindi katulad ng ibang tao na nag papakitang tao lamang sa madla na kunwaring sila ay tumutulong para sa kasikatan, ang ginang na ito ay tumulong na bukal sa kaniyang puso nagulat nalamang ang ginang ng makita niya ang kaniyang sarili sa isang viral post dahil siya pala ay nakuhaan ng larawan dahil sa ginawang kabaitan nito.