Gloria Romero, Ipinakita ang Kanyang Larawan Noong Siya ay Dalaga Pa!

Local News

Si Gloria Romero ay isang batikang aktres na kilalang-kilala sa ating bansa. Hindi lamang sa talento niya sa pag-arte ang nakapagpakilala sa kanya kung hindi maging ang labis nitong kagandahan mula noon hanggang ngayon. Kasalukuyan naman ginagampanan ni Gloria Romero ang pagiging isang lola sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’ na ipinapalabas sa GMA-7.

60-taon nang namamayagpag ang aktres na si Gloria Romero sa kanyang career kasama na rito ang award-winning niyang mga ginampanan sa palabas na ‘Tanging Yaman’ (FAMAS Best Actress noong 2001), ‘Nagbabagang Luha’ (FAMAS Best Supporting Actress noong 1989) at 1955′ Dalagang Ilocana.

Siya ang kauna-unahang nakatanggap ng lifetime achievement award sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Ipinanganak si Gloria Galla o mas kilala bilang Gloria Romero noong December 16, 1933. Ang kanyang ama ay si Pedro Galla, isang Pilipino habang ang kanyang ina ay kinilalang si Mary Borrego Miller, isang Spanish-American, na nag-aral sa Mabini, Pangasinan.

Ang kanyang kapatid na si Tito Galla ay naging isang aktor din noong 1938 hanggang taong 1979. Pinakasalan ni Gloria Romero si Juancho Gutierrez matapos ng kanilang pelikula at nagkaroon sila ng isang anak na kinilalang si Maritess.

Marami naman ang labis na namangha sa angking kagandahan ni Gloria Romero matapos na ipakita nito ang kanyang larawan noong siya ay dalaga pa. Hindi napigilan ng mga netizens na purihin ang maamong mukha ng aktres lalo na noong ito ay dalaga pa.

“Ang lola namin, ang p?naka magandang babae sa television n nkita ko noon at hanggang ng?yon… DAIG KAYO NG LOLA KO.”

“Wala parin kupas ang iyong kagandahan Ms. Gloria, parang lola ko lang hanggang ng?yon buhay pa siya at anlakas lakas pa at syempre maganda padin l?veyou lolaq.”