Grade 5 student na nag-aapply ng trabaho upang matustusan ang kanyang pag-aaral, Kinabiliban ng maraming netizen

Local News

Nagviral ang kwento ni Kervy dahil sa netizen na si Chriszel ay nakatanggap pa umano ito ng dagdag na tulong, kagaya ng allowance at iba pang mga tulong upang maipagpatuloy ni Kervy ang kanyang pag-aaral.

Hinangaan si Kervy ng mga netizen dahil sa ipinakita nitong determinasyon, na handa itong magtrabaho maipagpatuloy lamang ang kanyang pag-aaral. Ang mga ganitong pag-uugali ang siyang magdadala sa kanya sa tagumpay, naway magpatuloy siyang magsipag at magpursige upang balang araw siya na naman ang tutulong sa mga nangagngailangan,

Marami sa ating mga kababayan ang patuloy na naghahanap ng trabaho upang makatulong sa kani kanilang pamilya. Ang iba naman ay sadyang magtrabaho at nais na lamang umasa sa kanilang mga magulang.

Ngunit ang kwento ng isang grade 5 stundent na nagmula sa General Santos na nagngangalang Kervy James Villarejo ay talaga namang nakakabilib, dahil sa murang edad nito ay ninais nitong maghanap ng trabaho upang matustusan ang kanyang gastusin sa pag-aaral.

Ang kwento ni Kervy James Villarejo ay ibinahagi ng netizen na si Chriszel Vicente. Ayon sa kanya ang bata ay pumunta sa kanilang opisina, nakasuot umano it ng uniporme at dala dala ang kanyang bag na ginagamit sa kanyang pag-aaral.

Nagtatanong umano si Kervy kung pwede siya mag apply kahit taga linis lamang ng kanilang opisina. Nagulat ang mga empleyado ng opisina, at tinanong nila si Kervy kung bakit sa murang edad ay naghahanap na ito ng trabaho. Ayon naman kay Kervy ay kailangan daw nito ng pera upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, upang magawa niya ang kanyang mga projects.

Dahil sa pinakitang determinsyon ni Kervy ay hindi naman nagdalawang isip Chriszel na tulongan ito. Hindi man siya nabigyan ng trabaho ay binigay naman sa kanya ang mga materyales na kailangan niya para sa kanyang school project.