Hash Alawi, Mamimigay ng Tablet at Cellphone sa 20 Katao Bilang Pagdiriwang sa Kanyang 1 Milliong Subscribers!

Local News

Isa sa pinaka sikat na vlogger sa Pilipinas ay si Ivana Alawi na isa ding model at artista. Apat silang magkakapatid at isa sa kanyang kapatid ay si Hashim Alawi o mas kilala bilang Hash Alawi na isa na ring vlogger. Kamakailan lamang ay umabot na ng 1 million subscribers ang Youtube Channel ni Hash Alawi.

Sa kanyang vlog na ipinost noong Hunyo 17 ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Binanggit din ni Hash na isa siyang mahiyain na tao noon ngunit nang dahil sa mga taong nakapaligid at nagmamahal sa kanya ay nagkaroon umano siya ng lakas ng loob na humarap sa maraming tao.

Bukod pa rito ay inanyayahan siya ni Ivana na magsimulang mag-vlog at dahil dito, sinunod ni Hash ang payo ng kanyang kapatid.

Sa pagdiriwang ng kanyang 1 milion subscribers, naisipan ni Hash na mag-give back sa mga taong sumusuporta sa kanya. Mamamahagi siya ng tablet at cellphone sa 20 katao na kanyang mapipili.

Para manalo ay kailangan lamang sundin ang 3-steps. Una, mag-subscribe sa kanyang channel, pangalawa, mag-follow sa kanyang facebook page, at pangatlo ay mag-follow din sa kanyang instagram account.

Ang pagsali ay hanggang June 30 pa. Ilalagay din umano ni Hash ang mga links sa kanyang s

ocial media account para sa mga nais sumali.