Hepe ng Catanduanes Police, Isinisi sa mag ina kung bakit sila nabaril ng pulis!

Local News

Si SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng balita dahil sa walang awang pag-paslang niya sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Nag-viral naman ngayon ang reaksyon dito ng police chief sa Bato town sa Catanduanes na si Captain Ariel Buraga.

Ayon kay Buraga, kasalanan daw ni Sonya na binaril siya ni Nuezca dahil hindi niya nirespeto ang pulis.

“Lesson learned. Kahit puti na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayo rumispeto sa ating mga Kapulisan… Mahirap kalaban ang pagtitimpi at at pagpapasensya. RIP Nanay and Totoy,” sinabi ni Buraga.

Nang tanungin siya ng isang netizen kung pinaniniwalaan talaga niyang kasalanan ni Sonya ang nangyari sa kanya, kinumpirma nga ito Buraga.

Dahil dito, ni-request ni Bato town Mayor Juan Rodulfo kay Catanduanes Police Provincial Director PCol. Brian Castillo na palitan si Buraga bilang police chief ng Bato town dahil mukha raw biased ito sa kapulisan.

“We will highly appreciate if the PNP (Philippine National Police) could assign another Chief-of-Police in this municipality to assuage the fears of the constituents of this LGU (local government unit) of a seemingly biased chief-of-police whose loyalty it seems rests primarily with his fellow policemen than with the constituents in his area of responsibility,” isinulat ng mayor.

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pag-baril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pag-paslang sa nasabing ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.