Hinangaan ang isang ama na security guard na kasama ang kanyang anak sa duty para maalagaan

Local News

Isang security guard ang agaw pansin sa pawnshop dahil hawak ang kanyang anak na premature na walang gustong mag-alaga sakanya kaya ang kanyang ama nalang dahilan kung bakit niya ito sinasama sa mismong duty niya.

Ayon sa may ari ng larawan at nagpost sa facebook na si Jeff Magno na habang siya ay nasa pawnshop napansin niya na may dala-dala na bata ang security guard na masasabi nating agaw pansin dahil bihira lang itong mangyari sa lugar o habang ito ay nasa duty.

Habang nakapila si Jeff tinanong niya ang security guard kung masama ba ang pakiramdam ng bata ang hindi pala niya alam isa palang premature ang batang dala-dala ng security guard kaya natunaw ang puso ni Jeff at humanga sa ama na security guard.

“Bihira lang mangyare ang ipagsabay ang pagtatrabaho habang nag-aalaga ng bata at kaya pang ngumiti ng security guard” ayon sa caption ng larawan na pinost ni jeff.

Maraming netizens ang humanga sa pagiging mabuting ama ng security guard , marami din ang nagkomento sa post at pinupuri ang employer ng pawnshop dahil naiintindihan nila na kailangan alagaan ang kanyang anak at kailngan itong ingatan.

Narito ang mga naging komento ng ilang netizens:

“God will bless you for being a good father, I salute you!”
“Sana gayahin kayo ng ibang kalalakihan, bihira ang tulad mo manong, saludo ako sayo.”
“Kudos din po sa employer ni manong guard kasi naiintidihan ang sitwasyon niya at pumayag na magduty si manong kasama ang anak niya.”