Hindi na Naawa kay Lolo na Nagtitinda ng Saging, Binayaran ng Pekeng P1000

Guide, OFW News

Marami ang naawa sa isang matandang lalaki na nagtitinda ng saging. Isang Facebook user na may pangalang An Ge Lie ang kumuha ng litrato ng nakakaawang matanda. Ayon sa kanya, namalengke siya ng umaga at nakita niya si Lolo.

Napag-alaman peke ang 1000 pesos na binayad sa matanda. Halagang 100 ang binili ng suspect kaya nagsukli pa ang matanda ng 900. Nabigla daw ito ng iniwan ang saging at dali-daling umalis pagkakuha ng pera.

Ayon pa sa Facebook page na Minglanilla Flash Report nangyari ang insidente sa Reynadelle Store sa The New Market place sa Minglanilla, Cebu.

Umani naman ng masidhing galit mula sa mga netizens ang ginawa ng suspek. Marami ang naawa at nais maghatid ng tulong sa matandang wala namang masamang ginawa kundi maghanap buhay ng marangal. Sa gitna naman ng kanyang naranasan, bumuhos ang tulong para sa matanda.