Ika-50 Wedding Anniversary ng Senior Couple, Viral sa Social Media

Local News

Nag-viral sa social media ang mala-preup shoot ng senior couple na ito matapos nilang ipagdiwang ang kanilang ika-50 anibersaryo ng kanilang kasal.

Viral umano sa socila media ang mga larawan ng mag-asawang nagdiriwang ng kanilang ika-50 na wedding anniversary.

Wala umanong alam ang mag-asawa na may mangyayaring photo shoot, nagulat na lang ang mag-asawa na sine-setup na ng kanilang mga anak ang photographer at ang mga make-up artist.

“Suprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel. ‘Yung kasama na namin… Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin,” ayon ni Virginia.

Sila umano ang nagpapatunay na kahit sinubok na sila ng panahon ay patuloy pa rin silang nagmamahalan at napagtagumpayan nilang dalawa ang lahat ng problema na dumating sa kanilang buhay.

Mayroon umano silang 12 anak na bunga ng kanilang pagmamahalan.

“Parang biglaan lang. ‘Di ko pa nasasabing mahal ko siya kasi ‘di ko rin naman narinig sa kanyang nagsabi na ‘mahal kita’ o ano… Kami sa pagtingin lang nagkasundo lang sa biruan. ‘Yun ang love life namin,”- saad ni Renato.

Namumuhay ng payak ang mag-asawa sa Upi, Maguindanao at ang mahalaga sa kanila ay masaya silang namumuhay at nagmamahalan ng tunay.