Ilang Larawan ni Kris Aquino Noong Siya ay Bata pa, Hinangaan at Kinagiliwan ng mga Netizens!

Local News

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas kilala bilang Kris Aquino, ay isang sikat na artista, TV host, prodyuser, endorser, at negosyante. Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1971. Anak siya nina dating Senador Benigno S. Aquino, Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” C. Aquino. Si Kris ay nakababatang kapatid ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Sa halip na subaybayan ang pampulitika katulad ng kanyang mga magulang at ng kanyang kapatid ay sumali si Kris sa industriya ng showbiz at nag-debut sa pelikulang Pido Dida: Sabay Tayo. Sikat din siya sa kanyang mga ginampanang tungkulin sa maraming mga nakakatakot na pelikula tulad ng Feng Shui at Sukob, ang pinakamataas na napakalaking pelikulang Pinoy noong 2006.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng mga netizens ang mga ‘throwback pictures’ ni Kris noong siya ay bata pa.

Mala-korean beauty umano ang ganda ni Kris dahil sa makinis at maputi nitong balat, at singkit na mga mata. Hindi maitatanggi ang natural ng kagandahan ni Kris. May ilan pa sa mga netizens ang nagsabi na hindi lamang sa panglabas na anyo maganda si Kris, maging sa kanyang kalooban.

Matatandaan na marami ang humahanga sa pagiging ina niya sa dalawang anak na lalaki na sina Josh at Bimby.

Okay, I’m in love with this young Kris Aquino, ghad she’s so pretty tila amoy baby Johnson ha ha ha ha,” ani ng isang netizen.