Imahen ng Poon Nazareno, Maaninag Diumano sa Biyak na Pader sa Taal, Batangas

Local News

Umagaw ng pansin ang Imahen ng Poon Nazareno, Maaninag Diumano sa Biyak na Pader sa Taal, Batangas na kasalukuyang pinupuntahan ng maraming tao.

Sa Brgy. Bolbok sa Taal, Batangas, may isang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang ilan para manalangin. Ngunit wala sa loob ng simbahan o kapilya ang kanilang dinarasalan, kundi sa isang pader na maaaninag diumano ang imahen ng Poon Nazareno.

2019 nang madiskubre ni Jovito ang diumano’y imahe ng Mahal na Poong Nazareno sa biyak ng pader na ito. Paniwala ng ilang residente, ito raw ang pumoprotekta sa kanila mula sa mga sakuna at pagkagutom ngayong may pandemya.

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Sabado, 8:35 PM, sa ‘Brigada’. #BrigadaSaturdays
Courtesy: Jovi Punzalan, Shakira Lacerna Balba