Imbis na matupad ang pangarap na glass skin, namaga at nasunog ang kanilang mukha

Local News

Tampok ang kwento sa segment ng Kapuso Mo Jessica Soho na kung saan isang kabataan ang nagbahagi ng kaniyang kuhang larawan matapos, pumalpak ang kaniyang produktong pampaganda na imbis na maganda ang resulta ay tila naging bangungot ito para sa kaniya.

 

 

 

 

Sobrang dami naming nakikitang videos at pictures na naachieve nila yung glass skin dahil doon sa beauty set nayun’Nawala ‘yung pimples nila. Sobrang nag-glow po ‘yung skin nila!Kaya nahikayat akong bumili. Na-excite pa nga ako kasi baka ma-achieve ko nga rin ‘yung glass skin!Pero nu’ng ginamit ko siya, nahapdian agad ako. Tapos parang ang kati-kati niya” saad pa ni Berna

 

 

 

Sobrang tight ng feeling ng mukha ko, pati sa leeg ko.

Nu’ng una, sabi nila, normal lang ‘yung parang nag-i-sting sa mukha.

Pero pagkatapos ng ilang araw, parang kumapal siya tapos ang init nu’ng feeling!Nagsugat-sugat na talaga siya! Parang nasunog ng plantsa! -Berna

At mayroon pang isang nag salita patungkol din sa kaparehong produktong nabili ng netizen na si berna at may nag pakilala ring kabataan na si Amy saad niya matapos nitong gamitin ang nasabing beauty product.

“Gusto ko lang mag-glow up na parang sa mga Korean.

‘Yung pinkish na skin.Kaya naisip kong gumamit nu’ng set na pampaganda. Para tumaas din po ‘yung self-esteem ko.Nu’ng unang gamit ko sa kanya, may konting hapdi. Tapos humapdi na nang humapdi ‘yung mukha ko! Sobrang init na ng feeling tapos ang kati niya!

Hanggang sa namaga ‘yung mukha ko. Nangitim at nagda-dry at may namumuo nang balat sa mukha ko!Nasa point na siya na hindi ako makakain dahil sa sobrang sakit.”-Amy