Ina, Binawian ng Buhay Matapos Magsilang ng Triplets

Local News

Karamihan sa mga babae ay ang pagiging ina ang kumukumpleto sa kakulangan nila sa buhay. Malaki ang pangarap ng mga ina sa kanilang mga anak habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa nila.

Siyam na buwan na nasa tiyan ng mga ina ang mga sanggol. Halos karugtong na ng kanilang buhay ang kanilang anak.

Sabi nga nila, ang isang paa ng mga ina ay nasa hukay dahil hindi lamang sa pagdadalang tao natatapos ang pagiging isang ina, ang pagluwal sa sanggol ay isa din na mahirap para sa mga ina.

Viral naman ngayon ang larawan ng isang ina matapos niyang maipanganak ang tatlong sanggol. Labis ang pagdadalamhati ng naulilang asawa nito.

Mula sa facebook post ni Joel Orbello Regal, naulilang mister, ibinahagi niya nag larawan ng kanyang asawa na wala ng buhay at ang triplets na sanggol. Sa ngayon ay umabot na ng 73K reactions, 5.8K comments at 40k shares ang nasabing post.

“Mga anak ko kayo nalang lakas ko wala na si nanay nyo gagabayan nya tayo andyan lang sya sa tabi nyo hindi nyo man sya nakita mahal na Mahal kayo ng nanay nyo babantayan nya kayo haggang sa paglaki mahal ko kung nasan kaman ikaw na bahala sa amin ng mga anak mo Mahal na Mahal ka namin I love you so much Mahal ko,” ayon sa caption ni Joel.

Maraming netizens naman ang nakiramay sa pagkawala ni April Edlagan-Regal. Marami ang nanghinayahang dahil maagang naulila ang tatllong sanggol.