Ina, hindi na muling binalikan ang mga anak matapos mag paalam na bibili lang ng payong

Local News

Viral sa social media ang isang post ng netizen matapos mamataang makita ang magkapatid na ito sa harap ng isang fast food nang mang inasal ng usisain ng isang crew kung bakit kanina pang nakaupo ang mga ito na tila ba’y may hinihintay.

 

 

 

 

Saad ng dalawang paslit sa service crew “Hinihintay po namin ang mama namen ate bibili lang daw siya ng payong hintayin daw namin siya dito” ngunit ilang oras na ang lumilipas ay hindi parin bumabalik ang kanilang ina ayon pa sa netizen na si Myleen Delos Reyes De Villar ang siyang nag bahagi ng mga larawan ng mga bata, nakuhaan niya ng larawan ang magkapatid sa harap ng Mang Inasal malapit sa People’s Park Valenzuela City. aniya inabot na ng ilang oras duon ang magkapatid at hinihintay lamang ang kanilang ina na babalik dahil raw sa ito ay bibili lamang ng payong at wag raw silang aalis duon.

 

 

 

Habang nag hihintay ang magkapatid karga pa nito ang nakababatang kapatid batid rin sa mga bata ang gutom, at napaiyak nalamang ang mga ito dahil nais na nilang makauwi sa kanila, at hinahanap nila ang kanilang ina hindi rin tukoy ng mga tiga ruon kung saan ba talaga nag punta ang kanilang ina lalo’t pa sa tapat ng fast food ay may nag titinda ruon na payong saad tuloy ng mga nakakita sa lugar, kung sila ba talaga ay iniwan o bumibili lang talaga ng payong ang kanilang ina.