Ina, inalala kung paano biglang binawian ng buhay ang anak na natutulog lang

Local News

Matapang na ibinahagi ng blogger na si Angelica De Leon-Panganiban ng “Busy With Mommy” page ang sinapit ng kanyang anak na si Alonzo.

Nalaman ng KAMI na nitong Enero 14 ng kasalukuyang taon, binawian ng buhay si Alonzo sa hindi agad nalaman ang dahilan.

“He was just sleeping when I found him lifeless,” ang ibinahagi ni Angelica sa kanyang post ng ibalita niya ang pagkamatay ng pinakamamahal na anak.

“The hospital says that the cause of death is aspiration (where saliva collects in the mouth while sleeping and then flows into the lungs, leading to aspiration and choking),” dagdag pa niya.

Ilang oras pa raw noon bago bawian ng buhay ang anak ay masigla pa ito at naglalaro.

Subalit nang balikan na ito ni Angelica sa pag-aakalang nakatulog na ito matapos na ma-breastfeed, iba na ang kulay ng labi nito.

“I tapped his cheeks and shouting for him to wake up but when I held his hand, it’s already cold. I did mouth-to-mouth resuscitation but I can no longer hear his heartbeat,” kwento ni Angelica.

Agad din niya itong nadala sa ospital subalit huli na ang lahat at idineklara na itong patay bandang alas ng hapon.

Paliwanag pa ng mga doktor ayon kay Angelica, sudden infant death syndrome (SIDS) ang dahilan ng pagpanaw ni Alonzo.

Ang masakit pa rito, hindi ito ang unang pagkakataon na namatayan ng anak si Angelica.