Inang may sakit at Anak na Bata sa Overpass ng SM Fairview

Local News

Dahil sa kahirapan, marami saating mga kababayan ang namumuhay sa lansangan at namamalimos. Kaya naman ilan rin sa mga kabataan ay mulat na sa reyalidad ng buhay dahil sa kahirapan at sa murang edad pa lang ay nasa lansangan na.

Gaya na lamang ng ibinahagi sa social media ng isang concerned netizen na si Ricky Jay Laurio, habang naglalakad umano siya sa kahabaan ng overpass sa SM Fairview ay nakita niya ang mag-ina na may nakakalungkot at nakakaawang kalagayan. Hindi na maiwasan ni Ricky na kuhaan sila ng larawan upang marami ang makatulong sakanila.

Mapapansin sa mga larawan na tila may sakit ang ina sa balat at iniinda ang nararamdaman na init ng panahon. Samantalang natutulog naman sa hita ng kanyang ina ang batang maliit. Makikita din dito na sa gilid lamang sila ng overpass at may sapin na karton sila nakapuwesto habang tirik ang araw. Binalot na lamang ng ina ang anak ng tagpi tagping tela upang hindi mainitan ng araw.

Napag-alaman na ang ina ay nagngangalang Jean, ayon sa kanita ay wala na siyang asawa at tanging sila na lamang mag-ina ang magkasama sa buhay. Ang anak nito ay 9 na taong gulang pa lamang. Naghahangad si Ricky na sana ay matulungan ang mag-ina sa kanilang sitwasyon.

Narito ang original post ni Ricky Jay Laurio:

“Magandang araw po sa inyong lahat . Ito po ang Mag inang Naabutan ko sa overpass ng SM FAIRVIEW nung ako po ay papasok sa trabaho . Nakakalungkot po ang kalagayan ni nanay. kasama niya po ang anak niyang lalaki na siyam na taong gulang nadaw po ,kinausap ko po si nanay at tinanong ko ang pangalan niya ,siya daw po ay si Jean , wala daw po siyang asawa dalawa nalang daw po sila ng anak niya . Sila ay nasa overpass habang tirik na tirik ang araw , at napakainit ng panahon. humihingi po ako ng unting oras niyo para maishare ang post na ito at makarating ito kay mam Jessica at kay Idol Raffy Tulfo. alam ko po na sobrang laki ang maitutulong nila kay nanay jean at sa kaniyang siyam na taong gulang na anak . maraming maraming salamat po sa pagbigay ng oras para malaman ang kalagayan ng maginang ito Godbless po sa lahat sana po maishare natin ito”-Ricky Jay Laurio/Facebook