Ipinakikilala ni Meryll Soriano ang kanyang baby kay kuya Will, Congrats po Lolo Willie

Local News

Ipinakilala na ni Meryll Soriano, 38, ang kanyang bagong baby sa amang si Willie Revillame.

Ngayong gabi ng January 2, 2021, nag-upload si Meryll ng dalawang larawan niya kasama si Willie at ang kanyang bagong silang na supling.

Caption niya, “With Lolo.”

Ang bagong baby ni Meryll ay anak nila ng nakabalikang nobyo na si Joem Bascon, 34.

Ibinahagi ni Merryl sa kanyang Instagram nitong Bagong Taon, January 1, 2021 na nanumbalik ang naudlot nilang relasyon noon ni Joem.

Nagbunga pa ito ng isang malusog na sanggol pero hindi pa niya idinetalye kung ano ang kasarian nito.

Buong caption ni Meryll, “2021! May this year be kinder to us all.

“May we all find peace, joy and love.

“New year, new hopes, new positive outcomes.

“Happy New Year from our family to yours!”