Isa Ina, Pinabayaan Di-umano ng mga Anak na Gumapang sa Lupa at Inuutusan pa ng mga ito

Local News

Nag-viral sa Social Media ang larawan ng isang ina na gumagang sa lupa at tila putikan ang buong katawan. Umani ng iba’t ibang reaksyon galing sa mga netizen ang ibinahaging post ni Prieto Orgal.
Kinilala ang inang nasa larawan ay si Gloria Ybanez na mula sa Molave, Barangay Talisay, Agusan del Norte.
Ayon sa post ni Orgal ay mahina na ang katawan ni Nanay Gloria. Hindi na siya makatayo kaya naman gumagapang na lamang siya. Inuutusan pa di-umano ng mga anak si Nanay Gloria kahit na alam nilang nahihirapan na ang kanilang ina.

 

Hindi na din kaaya-aya ang amoy ni Nanay Gloria dahil hindi man lamang daw siya pinapaliguan ng kanyang mga anak at hindi na din siya inaasikaso.
Dahil dito, nahabag si Orgal sa sitwasyon ni Nanay Gloria kaya naisipan niyang ibahagi ito sa Social Media upang humingi ng tulong.

 

Narito naman ang caption ni Orgal sa kanyang facebook post, “Siya si Gloria Ybanez, Nakatira sa purok Molave Talisay Nasipit Agusan del Norte, Mag isa lang siya sa bahay. Hirap na siyang makalakad at Hinang hina na po siya sana kung mabasa man ito ng mga anak o kamag anak niya maawa naman kayo sa kanya.”

 

 


Kahit ano man ang ginawa sa’tin ng ating mga magulang, masama man o mabuti ay dapat suklian natin sila ng kabutihan. Alagaan at mahalin natin sila dahil kahit anong mangyari, pagbali-baliktarin man ang mundo, magulang pa din natin sila.