Isang 19 yrs old na Dalaga at Working Student, Nakabili na ng Sariling Bahay at Lupa!

Local News

Marami ang humanga at bumilib sa isang 19 yrs old at isang working student na si Patricia Mae Tandas, dahil sa kanyang edad lamang na 19 ay nakapag pundar na sya ng sarili nyang bahay at lupa. Si Patricia ang isang estudyante sa umaga, call center sa gabi, at nagtitinda naman ng mga baked sushi at cookies kapag may mgs free syang oras.

 

 

Pahayag ni Patricia ay noong una raw ay gusto lamang niya na makatulong sa kanyang pamilya at mabili ang mga gusto nyang bilhin. Pero habang tumatagal ay nasasayangan na siya sa mga gastos niya kapag bumibili sya ng kanyang mga luho. Kaya naman ay iniipon na lamang ni Patricia ang kanyang mga pera at ginagamit sa mga bagay na pang matagalan nyang magagamit.

Pero hindi makapaniwala at hindi inakala ng mga magulang ni Patricia na ang tinutukoy nya sa sinabing gagastusin lamang nya ang kanyang pera sa pangmatagalang gamit, ay bahay pala ang kanyang bibilhin. Naisip din kasi ni Patricia habang tumatagal ay tumataas ang halaga ng bahay kaya habang mura pa ay binili na nya iyon.

Narito ang kabuuang post ni Patricia :

At the age of 19, magkaka BAHAY na ‘ko!!!
Dati, pangarap ko lang talaga magkaroon ng sarili kong kwarto. Ngayon, mas malaki pa sa kwarto ‘yung makukuha ko. Katas ng puyat at pagod sa pagiging call center agent. Estudyante pa ‘yan sa umaga
Tips para sa mga gustong mag-trabaho habang bata pa:
1. Magpaalam muna sa parents kung okay lang ba.
2. Lakarin ang sandamakmak na requirements. Mahaba pila huhu tyagaan lang talaga.
3. Needs over wants! Kung hindi pa talaga kailangan, ‘wag mo muna bilhin.
4. Kailangan maging masipag. Hindi tayo mayaman para magtamad-tamad.
5. Matutong mag-ipon! Kahit paunti-unti, ayos na basta may naitatabi.
See you after turnover, my baby.
Thank you po sa pagsama, mama.
Thank you po sa agent namin.
Yay!