Isang Ama, Nanghihingi ng Breast Milk para sa kanyang Triplets na Anak matapos Pumanaw ang Ina sa Panganganak nito!

Local News
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga Ama sa pamamagitan ng pag alaala sa mga sakripisyo at kanilang pagsusumikap sa pamilya. Isa na rito ay amang si Joel Regal na marami ang naantig na netizen, matapos syang mag post upang humingi ng tulong na breastmilk para sa kanyang triplets na anak.

 

Mag isa na lamang kasi niyang inaalagaan ang kanyang tatlong sanggol, matapos pumanaw ang kanyang asawa sa panganganak nito. Noong una ay hindi makapaniwala at hindi inakala ni Joel na sa isang maikling panahon ay mawawala ay kanyang asawang si April.
Kung mayroon taong sobrang sabik makita at mayakap ang triplets, ay walang iba kundi si April yon, at sobrang excited syang makita ang kanyang mga anak kaya hindi tala matanggap ni Joel ang nangyari kay April. Ngayon ay ginagawa ni Joel ang lahat upang magpakatatag para sa kanyang tatlong mga anghel. Pero dahil wala na ang ina ng mga bata sy nanawagan ng tulong at donasyon ng breast milk si Joel.

 

Saad ni Joel Regal : “Hindi ko talaga tanggap kasi excited siya. Excited siyang makita ang mga anak niya tapos gano’n ang nangyari. Gusto ko lang silang makasama. Yung makita ko lang ang mga ngiti nila, masaya na ako doon.”