Isang Ama sa Samar, sa Pagtitinda ng Miryenda at Kakanin Itinataguyod ang Anak na may malubhang Sakit!

Local News
Nakuhanan ni litrato ng isang photographer na Nhel Consarba Amolo ang isang lalaki na nagtitinda ng mga miryenda at kakanin ng mapadaan sya sa Calbayog City, Samar noong ika – 13 ng Hunyo. At naisipan nya tong i post sa kanyang fb account dahilan ng pag viral nito, at napag alaman nya sa isang komento ay naglalako para maitaguyod ang pamilya lalo na ang anak na may karamdaman.

Napag alaman na ang lalaki sa litratong kinuhanan ay si Rigor Sanchez, 44- anyos na nakatira sa Brgy. Obrero, Calbayog city, Samar. Sa kwento ni Rigor Sanchez ay araw araw syang nagtitinda at nag lalako ng turon, banana Q , kamoteng kahoy , nilupak at iba pang mga miryenda at kakanin na pwede nya pang ibenta.

 

Halos lahat ng kinikita ni Rigor ay napupunta na lamang sa mga gamot at maintenance ng kanyang bunsong anak na si Jass, 8 taong gulang lamang. Si Jass kasi ay may Langerhans Cell Histiocytosis o LCH na isang immune system cell disorder na na diagnose noong 2017 pa.

Dahil sa sakit na nararamdaman ni Jass ay nawalan na ito ng paningin, at nangangailangan narin syang mag chemotheraphy kada linggo para sa kanyang sakit. Kaya nanawagan ni tatay Rigor sa mga may kakayahan upang matulugan sila sa mga pampagamot sa kanyang bunsong anak.

 

Para sa mga nais tumulong ay narito ang iba pang detalye:
Para po sa may mga ginintuang puso! 
GCASH
09656780554
Jocelyn Sanchez
Salamat Po