Isang Amang Bulag na Nananatiling Naghahanap-Buhay sa Kabila ng Kanyang Kapansanan, Nagsilbing Inspirasyon sa Marami!

Local News

Karamihan sa atin ay madalas na nagrereklamo sa buhay at kadalasan pa ay sila ang may malalaki ang katawan. Sa buhay ay kinakailangan ng sipag at tiyaga at hindi natin kailangan ang pagrereklamo bagkus ay kumilos upang makaahon sa buhay. Kailangan din natin na magpursige para sa bandang huli ay magbunga ng maganda ang lahat ng mga sakripisyong ginawa natin.

Ang iba pa nga ay halos hindi na nagpapahinga para lamang kumita ng pera para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Sa maraming pagsubok na dumadating sa atin ay kinakailangang lumaban para sa ating pamilya.

Isang concerned netizen na si Jake Dulce Fetalver ang nagbahagi ng larawan ng isang lalaking bul├ąg na matiyagang nagtitinda ng mga prutas at gulay. Nakita umano siya ng netizen sa tapat ng Jollibee Odiogan Branch na nagtitinda doon ng prutas kasama ang kanyang anak na nagsisilbing mata nito.

Habang siya ay nagtitinda sa tapat ng Jollibee ay nagtitinda naman ang kanyang misis sa tindahan malapit sa kanilang tahanan. Dahil sa kagustuhang makatulong nito sa kanyang pamilya at huwag maging pabigat ay napagdesisyunan niyang maghanap-buhay din sa kabila ng kanyang kalagayan.

Naging inspirasyon naman ito sa mga netizens. Nagsilbi din itong aral para sa mga taong nagrereklamo at hindi kumikilos. Dahil kahit na walang paningin ay naisip at nagawa pa din ni Tatay na makatulong sa kanyang pamilya.