Isang aso, Sumagip sa sangol na iniwan sa Dumpsite

Local News

Sa ulat ng Sibonga Police, natagpuan umano ng motorcycle driver na si Junrell Revilla ang sanggol sa dumpsite ng Magcagong, Sibonga matapos nitong sundan ang isang tumatahol na aso na tila ginagabayan umano siya patungo sa kinaroroonan ng sanggol noong bisperas ng Pasko.

Sa tulong ng isang aso, isang sanggol ang natagpuan sa dumpsite sa Sibonga, Cebu nitong bisperas ng Pasko.

Ayon sa Sibonga Police, natagpuan umano ng motorcycle rider na si Junrell Revilla ang sanggol sa dumpsite sa Barangay Magcagong.

Isang itim na aso raw ang tumatahol at tila tinatawag si Revilla nang siya ay napadaan, Nagpasiya si Revilla na sundan ang aso na tila ginagabayan siya patungo sa

kinaroroonan ng sanggol.

Doon natagpuan ang bagong panganak na sanggol na nakabalot sa brown na tuwalya. Ang placenta naman ay nakita sa loob ng isang itim na plastic bag.

Agad dinala sa ospital ang sanggol para masuri, Nasa pangangalaga na ng Sibonga Municipal Social Welfare and Development Office ang sanggol.