Isang Babae, Nadismaya sa Tattoo Artist na Gumawa sa Kanyang Kilay!

Local News

Marami sa mga kababaihan ang nais na mas mapaganda ang kanilang itsura kaya naman iba’t iba din ang kanilang paraan upang ma-achieve ang gusto nilang look. May ilan na pinapaganda ang kanilang kilay dahil ito ang uso ngayon at sabi nga ‘kilay is life’. Marami din ang gumaganda kapag maayos at on-fleek ang kanilang kilay.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang larawan ng isang babae na nagpa-tattoo na kilay at lubhang pagdidismaya ang kanyang naging reaksyon sa tattoo artist na nagdrawing ng kanyang kilay.

Makikita sa larawan na lubhang makapal ang pagkakaguhit ng kilay ng babae. Nagtiwala umano siya sa tattoo artist na mabibigyan siya ng magandang serbisyo at maayos na resulta ngunit naging kabaliktaran ito ng kanyang inaakala.

Marami din ang hindi nagagandahan sa kilay ng babae at may ilan pa na pinagtatawanan ang kanyang kilay. Dahil sa makapal niyang kilay ay hindi na din niya magawang lumabas dahil sa kahihiyan.

Payo naman sa kanya ng tattoo artist ay pahiran lamang ng petroleum jelly ang kanyang kilay dahil kinalaunan ay ninipis din ito ngunit nanatiling makapal pa rin ang kanyang kilay kaya mas lalo pa siyang nagålit sa tattoo artist.

Kinalaunan ay binlock na siya ng tattoo artist sa social media. Obligayson umano ng tattoo artist ang ginawa nito sa kanya kaya wala umano itong karapatan na takbuhan o taguan siya. Maging ang mga netizens ay pinagtangkaan na siya na kailangan niyang ayusin ang kilay at humarap na sa babae.

Ang kagandahan ng isang babae ay hindi kinakailangan ng mga pampagandang o pëkeng produko dahil ang kagandahan na isang babae ay nakikita kung paano nito respetuhin at alagaan ang sarili.