Isang babae nagreklamo dahil hindi pinaupo ng lalaki at pinost pa ito sa Facebook!

Local News

Bus ang isa sa pangunahing mode of transportation sa ating bansa ngayon. Pero sa sitwasyon ngayon sa traffic, minsan hindi maiwasang mainis kung hindi ka makakaupo dahil siksikan at maraming nag-aagawang mga pasahero.

Isang Facebook post ang nagviral kamakailan matapos magpost ang isang babaeng hindi umano pinaupo ng lalaki sa isang bus.

Ito ay ipinost ng netizen na si Fran Rusti. Sa kanyang post, ipinakita niya ang isang babaeng nagngangalang Rizzy Nicole De Guzman. Sa nasabing post, makikita na nagreklamo ang babae sa isang lalaking nakaupo sa kanyang harapan.

“Baliktad Na Talga Mundo Ngaun Lalake Na Ang Naka Upo. Babae Na Ang Naka Tay Hahahaha,” eto ang post ng babae.

Hindi ito nagustuhan ni Fran Rusti; eto ang kanyang saloobin na ipinost niya sa kanyang Facebook account:

“Isang babae na gustong umupo sa bus nag picture sa lalakeng naka upo!na baliktad na daw ang mundo ngayon ang lalake naka upo ang babae naka tayo! Ate hindi porket babae ka dapat kang paupoin ni kuya, lahat tayo pagod galing trabaho hindi obligation ni kuya na paupoin ka!nag picture kapa sa kanya pinag tawanan niyo pa?EQUALITY dapat!hindi mo alam ang pinagdadaanan ni kuya?sana ma hanap natin si kuya at makasohan si ate!sana mag pa Tulfo si kuyang nasa picture!? abangan na lang natin.”