Isang bata ang pumanaw matapos makagat ng hindi tukoy na hayop

Local News
Viral ang isang post ng netizen na si Otre Saleh matapos nitong ibahagi ang larawan ng kaniyang apo, ayon sa salay-say ng kaniyang lola natutulog umano ang kaniyang apo ng mga oras na iyon ng iwan ito, nuong una ay hindi ito pinapansin ng mga kasama sa bahay dahil tangin alam nila ay mahimbing lamang itong natutulog.

Ngunit ilang oras na ang lumilipas ay hindi parin ito gumigising dahil alam nila na mga ilang oras lamang ay gigising na ito upang manghingi ng gatas sa kaniyang lola, dito na nila napag desisyonang tignan ang kalagayan ng kaniyang apo.

Laking gulat nila ng malaman na hindi na itoy humihinga at nag-iiba narin ang kulay nito sa kanilang gulat tinignan nila ang katawan ng bata at dito nila na diskubre na parang may kagat ito sa bandang balikat at braso, dinala pa umano sa ospital ang bata ngunit idineklara na agad ng kanilang ospital na wala nang buhay ang bata ng dalhin sa kanilang pagamutan.

Hindi pa tukoy ng pamilya at ang ng mga sumiri sa bata kung anong klase ng hayop ang kumagat sa balikat ng bata. palaisipan rin sa pamilya ng bata na kung paano ito nakagat gayong nababantayan naman nila ang bata. habang ito’y natutulog.

advertisement