Isang dalagita ang nawala sa katinuan matapos ma pressure sa kaniyang module

Local News

Isang dalagita ang nawala sa katinuan matapos ma pressure sa kaniyang module, ibinahagi ng kaniyang nakakatandang kapatid nasi Regine Robles sa kaniyang social media ang nangyari sa kaniyang nakababatang kapatid.

Saad nito sa kaniyang facebook post ilang araw na umano itong nag pupuyat at walang tigil sa kakaisip ng kaniyang module at na pressure na umano ito dahil sa dumadaming pinapagawa ng kanilang professor hindi lang duon natatapos ang pasakit na mangyayari sa kapatid nito dahil papalapit narin ang deadline ng pag-pasa ng mga proyektong ipinapagawa ng kanilang mga professor kaya mas lalo itong na pressure.

Dahil dito ay hindi na gaano nakakain sa tamag oras ang dalagita maging sa pagtulog ay hindi narin ito nakakatulog ng higit sa 6 na oras dahil sa kakaisip sa kaniyang modular. Hanngang sa isang araw ay nag simula na itong matulala at magsalita mag-isa inakala lamang nila na nag bibiro ito ngunit mas lalo silang natakot nang magsimula itong magwala nanankit narin umano ang kaniyang nakababatang kapatid maging sila ay hindi na kinikilala nito kaya naisipan na nilang itali ang dalagita.

 

Walang tigil ito sa pagsasalita at nanlilisik ang mga mata. Humihiling ang ate ng dalagita na sana’y sila ay matulungan upang maipagamot sa isang psychiatrist upang matignan at maipagamot ang kaniyang kapatid.

Lumapit narin sila sa programma ng Raffy Tulfo in Action nag babakasakali sila na matulungan ni Raff Tulfo dahil sa lumalalamg kundisyon ng kaniyang kapatid.