Isang dayuhan ang hinangaan dahil paglilinis nito sa tabing dagat ng Dipolog City

Local News

“Just met this man this morning at boulevard of Dipolog City named SIMO AALTONEN from Finland and he’s cleaning the bay guys!” ito ang caption sa post ni Jovi Mora noong Setyembre 13, 2019. Ang nasabing post ni Jovi ay agad na nag viral dahil isang foreigner ang tampok dito. Ang foreigner na si Simo Aaltonen ay isang Finlander na namataan na naglilinis sa tabing dagat ng Dipolog City.

Tila para itong sampal sa ating mga Pilipino dahil tinalo pa tayo ng ibang lahi na linisin ang ating sariling bayan kaysa sa ating mga Filipino. Sa report ng CNN Philippines matapos na ito ay mag viral ilang kababayan na rin natin ang sumusunod sa ganitong gawain.

Makikita si Simo Aaltonen na walang t-shirt ay masiglang dinadampot ang mga basura sa baybaying dagat, kita rin sa larawan ang mga nakolekta niyang basura tulad ng mga plastic bottle, styro, mga gomang tsinelas at iba pa. Sa iba pang larawan ay makikita na ilang sako na kanyang nakolektang basura.

Sa ganitong pangyayari maraming netizen ang natuwa at pumuri sa pagkakawang-gawa ng nasabing dayuhan. Heto ang ilan sa mga komento nila;

“We’ll met this afternoon with zemoe so that he can claim his prize from me”
” Btaw bai. Nindot kau ato lugar dapat ampingan. Samot nana dulungin mentras wa pajud mahugaw kau.”

“Job well done. Sana all naay pakialam sa palibot. Dili sa kinabuhi sa uban jejeje just saying. Para puslan pud atuang kusog.”

“Makaulaw man tito. Ang foreigner pa ang naglimpyo sa kalat dha. Unsa nalang gyud ikaingon sa ubang nasud nato?”

Sa ngayon ang nasabing Facebook post ni Jovi ay mayroon ng mahigit 20 libong shares at mahigit sampung libong reaksyon. Kung sa Manila Bay ay nagawa nating magkaisa bakit hindi sa lahat ng baybaying dapag ng Pilipinas. Nawa’y magsilbi itong mitsa para sa atin at sa ating pamahalaan upang mahalin ang ating kalikasan.