Isang Delivery Rider na Bakal lamang ang Ginagawang Paa, Patuloy parin sa Pagtatrabaho sa Kabila ng Kalagayan!

Local News
Marami ang humanga sa isang delivery rider ng isang companya ng ipost ito ng isang citizen. Sa unang tingin kasi ay parang ordinaryo lamang na delivery rider ang tatay na ito. Pero kapag titingnan at susuriing mabuti ay makikitang isa lamang ang kanyang paa at ang isa ay bakal lamang na nakalagay bilang pang alalay, nakilala ito na si tatay Rodrigo.

 

Ayon sa nagpost ng kalagayan ni tatay Rodrigo na si Avril Avril Avril ay totoong napahanga daw talaga sya sa kasipagan, dedikasyon, pagpupursigi at diskarte ni tatay Rodrigo sa buhay sapagkat hindi raw inatrasan nito ang mabigat nyag order sa kabila ng kanyang kalagayan at kondisyon.

Narito ang kabuuang facebook post ng netizen tungkol kay tatay Rodrigo:

 

shout out kay tatay na napahanga ako ngayong araw..eto ang tunay na masipag at madiskarte,lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemic…saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho,kng mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay,..kaya hrap po sya tumayo…..at kahit mabgat po ang pinadeliver ko na dimsum di po sya nag cancel di ko din po kase expected na ganun po kalagayan ni tatay…basta tatay salute ako sayo