Isang lalaki, Nakapag Patayo ng Sariling Bahay sa Budget lamang na 55k with Tiles pa!

Local News
Nais mo bang makapag patayo ng bahay pero abot kaya at maliit lang ang kinakailangan na budget? Basahin ang kwento ng ginawa ni Joshua na nakapag patayo ng maliit na bahay, gamit lamang ang kanyang budget na nagkakahalaga ng 55k, at tinawang nya itong ” My 55k budget mini house

 

Sa ipinagawa ni Joshua na bahay gamit ang budget na 55k ay naka tiles na dito ang kanilang salas at pati narin ang kusina. Mayroon na din kisame sa kanilang kwarto, samantalang ang kanilang banyo ay ginagawa pa lamang. Simple lamang pero kahit papaano ay may sarili na silang masisilungan paliwanang ni Joshua.

 

Laking pasasalamat ni Joshua sa diyos dahil sa kanyang edad na 23 ay natapos na at naka pag patayo na sya ng kanyang sariling bahay kasama ang kanyang asawa. Nag papasalamat din daw si Joshua sa kanyang mga magulang at biyenan na tumulong at sumuporta sa kanyan upang maipatayo ang kanyang bahay. Sakta lamang daw ito dahil sila palang mag asawa at wala pang mga anak.

 

Sa ngayon ay wala pang permanenteng trabaho si Joshua at suma samasama lamang sya sa kanyang ama sa pag aahente nito sa mga lupa, ngunit ang payo naman ni Joshua sa mga katulad nyang nais din magtayo ng bahay ay, iba din talaga at mas maganda kapag mayroong suporta ang iyong pamilya sa iyong pangarap. At tunay ngang kapag may tyaga at diskarte, may nilaga.